Pangsasalinwika
Content Translation
Kagamitang pangsalinwika sa tulong ng kompyuter para sa mga pahina ng Wikipedia
|
Nagbibigay-daan ang Kagamitang Pangsasalinwika sa mga patnugot na gumawa ng mga pagsasalin katabi ng orihinal na artikulo at ginagawang awtomatiko ang mga hakbang na mayamot: pagkokopya ng teksto sa ibayo ng mga browser tab, paghahanap ng mga kaukulang kawing at kategorya, atbp. Sa pagbibigay ng mas matatas na karanasan, maaaring maglaan ang mga tagasalin ng oras sa paglilikha ng mahusay na gawin na mababasa nang natural sa kanilang wika.
Kahit na inaayos pa ang kagamitan, masusubukan na ito at nagamit na ito para lumikha ng libu-libong artikulo na nagresulta sa naiulat na pagpapabuti sa pagiging produktibo ng mga tagasalin.[1][2] Pinagsasama ng Pangsasalinwika ang mga pantulong tulad ng mga diksyunaryo at mga serbisyo sa de-makinang pagsasalin. Hindi ito suportado sa lahat ng wika, ngunit maaaring palawigin ang kagamitan para maisama ang mas marami.
Bumabagay ang Pangsasalinwika sa umiiral na ekstensiyon ng Translate : habang naisasalin ang mga teksto mula sa menu ng Wikipedia at iba pang elemento ng user interface at pinanatiling magkatulad ng komunidad gamit ang Translate, maaaring isalin ang nilalaman ng Wikipedia sa pamamagitan ng Pangsasalinwika.
Tingnan din:
- Mapasisidhi ng proyekto sa Pagsasalinwika ng seksyon ang kakayahan ng Pangsasalinwika.
The Section Translation initiative expands the capabilities of Content translation. Maaaring palawigin ng mga tagasalin ang mga umiiral na artikulo sa pagsasalinwika ng bagong seksyon sa mobile o desktop. Bahagi ang pagsasalinwika ng seksyon sa the Boost initiative, kung saan maaaring lumahok at subaybayan ang progreso.
Subukan ang kagamitan
Mahahanap mo ang kagamitan sa Special:ContentTranslation mula sa Wikipedia sa anumang wika. Sa unang pag-akses nito, pagaganahin ang kagamitan para wiking iyan.
Magagamit ang Pangsasalinwika bilang beta feature sa lahat ng Wikipedia para sa mga tagagamit na naka-log in. Kapag napagana na ito, makikita mo ang mga karagdagang lagusan para madaling simulan ang isang pagsasalinwika mula sa inyong "Mga ambag ko" na pahina o mula sa talaan ng mga wika ng artikulo ng Wikipedia kapag wala sila sa iyong wika. In some languages it must be enabled as a beta feature, and in others it is a usual user preference enabled by default. When it is enabled, you will see additional entry points to easily start a translation from your "contributions" page or from the list of languages of Wikipedia articles when they are missing in your language.
Kung nakaranas ka ng anumang isyu sa kagamitan o kung gusto mong magbahagi ng karanasan sa paggamit, mangyaring magbigay ng komentaryo sa pahina ng usapan.
Layunin ng kagamitan
ContentTranslation |
---|
General |
Visual design and user workflow documents |
Technology |
Installation |
Ang Pangsasalinwika ay nagpapahintulot sa iyo na gumawa ng paunang bersyon ng pahina ng Wikipedia ayon sa bersyon mula sa ibang wika. Nakatuon ang kagamitan sa paglilipat at pag-aangkop ng nilalaman mula sa isang artikulo patungo sa bagong artikulo sa ibang wika. Nagbibigay-daan ito sa mga patnugot na gamitin muli ang kasing dami o kasing konting nilalaman para sa unang bersyon para maayos nila kalaunan gamit ang kanilang mga karaniwang kagamitang pampatnugot.
Inaasahan namin na makatutulong ang Pangsasalinwika sa paglalago ng pagpapayaman ng kabuuan ng kaalaman ng tao sa mga iba pang wika. Bagay ang kagamitan sa mga tagagamit na marunong sa dalawa o higit pang wika.
Sa mga kasalukuyang patnugot padadaliin ng kagamitan ang proseso ng pagsasalinwika. Sa ngayon, halos 15% ng tagagamit ay namamatnugot ng ikalawang edisyon ng wika. Natuklasan na itong mga multilingguwal na tagagamit ay mas malikhain kumpara sa kanilang katapat na monolingguwal na gumagawa ng halos 2.3 beses na pagbabago on average.[3] Bilang karagdagan, binabalak ng kagamitan na makaakit ng mga bagong patnugot na maaaring makinabang mula sa paraan ng pag-ambag na mas madali kaysa sa paglikha ng bagong pahina mula sa wala.
Dinisenyo ang kagamitan ayon sa mga sumusunod na prinsipyo:
- Magtipid sa oras. Tulungan ang mga tagasalin na lumikha ng laman nang mabilisan at nang walang kailangan na kagamitan mula sa labas para kopyahin at idikit.
- Magbigay ng tulong. Iwasan ang mga pagkakamali, at magbigay sa tagagamit ng tiwala sa kanyang sariling pagsasalinwika.
- Hikayatin ang kalidad ng pagsasalinwika. Dapat maipabatid nang maayos ng kagamitan ang layunin ng mga pagsasalin sa konteksto ng Wikimedia at tulungan ang tagagamit na iwasan ang mga di-maayos na pagsasalin.
- Huwag pilitin ang tagagamit. Dahil iba-iba ang mga proseso ng mga iba't ibang tagasalin, hindi dapat makialam ang mga pantulong sa proseso ng pagmamatnugot.
- Tumuon sa nilalaman. Mas nakatuon ang pagsasalinwika sa nilalaman kaysa sa estilo ng teksto. Dapat pakitunguhan ang mga teknikal na elemento tulad ng wikitext sa paraan na hindi pahihirapan ang pagsasalinwika.
Mayroong mga karagdagang detalye ng mga analitikang naibilang.
Paano lumahok
- Subukan ang kagamitang ito
- Tumulong sa pagpapabuti ng kagamitan sa pagsasama-sama ng mga bagong serbisyo sa de-makinang pagsasalin o pagsusuri ng aming mga datos sa mga nailathalang pagsasalin para pagandahin ang serbisyong pagsasalin.
- Sagutin ang palatanungan ng bagong wika kung saan makabibigay ka ng impormasyon sa suporta ng mga kasalukuyang kagamitan ng iyong wika.
- Magbigay ng komentaryo sa pahina ng usapan.
Lahat ng konektadong pahina
- Kahulugan ng Produkto
- Para sa mga developer
- Mga Detalye ng Paglawak
- Mga Dokumentong Pantulong
- Mga Anunsiyo
- Lahat ng sinupan
- Mga pinakamahusay na kasanayan para sa mga kaganapan ng Pangsasalinwika
- Extension:Translate
- Status reports
- Roadmap
Talasanggunian
- ↑ Lumalawak ang saklaw ng Wikipedia ng mga mahahalagang bakuna, Wikimedia Blog
- ↑ Paano nakatulong ang pangsasalinwika sa aking mga pagbabago sa wiki, Wikimedia Blog.
- ↑ Multilinguals and Wikipedia Editing, Scott A. Hale. Dec 2013
This page or project is maintained by Wikimedia Language engineering .
Get help: |